Huwebes, Setyembre 26, 2013

FILIPINO 5

FILIPINO 5-Gng. Pilar Domantay

A. Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki ---- ito ay pangngalang nauukol sa lalaki
hal. tiyuhin , tatay , abogado , sastre , tandang , kutsero, ingkong ,
emperador , duke , senyorito
2. Pambabae ---- ito ay pangngalang nauukol sa babae
hal. tiyahin , nanay , abogada , sastrera , inahing manok , impo ,
emperatris , dukesa , senyorita
3. Di- tiyak ---- ito ay pangngalang nauukol sa lalaki o babae
hal. nars , punongguro , mag-aaral , ibon , kamag-anak, pinsan
4. Walang kasarian ---- ito ay pangngalang nauukol sa mga bagay at mga
pangngalang walang buhay
hal. Bulkang Pinatubo , larawan

B. Gamit ng Pangngalan
1. Simuno --- ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap .
hal. Si Tatang Felix ay masipag at responsableng ama ng tahanan.
2. Kaganapang Pansimuno --- ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa
panaguring tinutukoy nito ay iisa lamang .
hal. Siya rin ay tatay ng aming bayan .
3. Pamuno --- ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay
iisa lamang .
hal. Si Tatang Felix, ang aming punongguro ay napakahusay .
4. Pantawag --- pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap .
hal. Tatang , ikaw ay tunay na kahanga-hanga .
5. Layon ng Pandiwa o Tuwirang Layon --- ang pangngalan ay ginamit na
layon ng salitang kilos sa pangungusap.
hal. Nagbukas ng trabaho ang aking ama para sa bayan .
6. Layon ng Pang-ukol --- ang pangngalan ay ginamit na layon ng pang-ukol
sa pangungusap .
hal. Ibigay natin kay Tatang ang nararapat na paggalang para sa
kanyang mga ginawa.

C. Basahin ang kuwentong pinamagatang “ Si Rizal at ang Gamugamo “ sa
pahina 23 – 25 ( Bigkis 5 ).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento