Huwebes, Setyembre 26, 2013

FILIPINO-Grade 4 (LIMEN)

Ikaapat na Baitang: Mga mag-aaral, kung may printer kayo, maaaring i-print  ninyo ang mga lesksyon sa blog na ito, at idikit sa inyong kwaderno. Kung wala at gusto niyong kopyahin ang leksyon, maaari rin. Mas mainam na may kopya na kayo ng leksyon para sa pagbalik natin sa paaralan at maayos na ang lahat, hindi niyo na kailangang kumopya ng leksyon. Ang iba sa inyo, hindi ko naisauli ang mga kwaderno, pwede rin sa papel na lang isulat at idikit ito sa kwaderno. Salamat!

PANGNGALAN (Noun)


Pangngalan-tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.


TAO
guro-G. Jaycee Joe Reineger F. Limen 



BAGAY
cellphone-Iphone




HAYOP
aso-Bantay



LUGAR
lungsod-Zamboanga



PANGYAYARI
okasyon-Pasko



URI NG PANGNGALAN

1. Pantangi-tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari at nagsisimula rin ito sa malaking titik. (Proper Noun)

Halimbawa:
                  Dr. Simon L. Chua, Zamboanga Chong Hua High School, Manila, Sta. Barbara, Jollibee, Toyota, Penshoppe, Southway Square, Andres Bonifacio, Pasko

2. Pambalana-tawag sa pangngalang tumutukoy sa di-tiyak o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. (Common Noun)

Halimbawa:
                  barangay, damit, bansa, paaralan, pangulo, bayani, restawran, parke, buwan, lungsod, bulaklak, kotse, wika



PAG-UURI NG PANGNGALANG PAMBALANA

1. Kongkreto-mga pangngalang pambalan na maaaring mahawakan o makita. (Concrete Noun)

Halimbawa:
                  bundok, hangin, lugar, kaibigan, pagkain, halaman, mangingisda, hayop

2. Di-kongkreto-mga pangngalang pambalana na maaaring maramdaman lamang. (Abstract Noun)

Halimbawa:
                  pagtanda, pagmamahal, pasensya, kasayahan, pagkakaisa, takot, panaginip



KASARIAN NG PANGNGALAN (Gender of Nouns)

1. Panlalakiang tawag kung ang tinutukoy ay lalaki. (Masculine Gender Noun)

Halimbawa: 
                  tiyo, bayaw, hari, tatay, kuya, lolo, pari, maestro, ginoo

2. Pambabaeang tawag kung ang tinutukoy ay babae. (Feminine Gender Noun)

Halimbawa:
                 madre, ate, prinsesa, nanay, reyna, lola, kumare, ninang

3. Di-tiyakang tawag kung hindi matukoy kung lalaki o babae. (Common Gender Noun)

Halimbawa:
                 doktor, guro, artista, bata, kapatid, nars

4. Walang kasarianang tawag sa mga bagay na walang buhay. (Neuter Gender Noun)

Halimbawa:
                 lupa, bundok, hardin, libro, lapis


                     Inihanda ni: G. Jaycee Joe Reineger F. Limen

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento