Huwebes, Setyembre 26, 2013

FILIPINO-Grade 3 (LIMEN)

Ikatlong Baitang: Mga mag-aaral, kung may printer kayo, maaaring i-print  ninyo ang mga lesksyon sa blog na ito, at idikit sa inyong kwaderno. Kung wala at gusto niyong kopyahin ang leksyon, maaari rin. Mas mainam na may kopya na kayo ng leksyon para sa pagbalik natin sa paaralan at maayos na ang lahat, hindi niyo na kailangang kumopya ng leksyon.  Ang iba sa inyo, hindi ko naisauli ang mga kwaderno, pwede rin sa papel na lang isulat at idikit ito sa kwaderno. Salamat!

IBA'T IBANG BABALA O SENYAS

           Mahalaga ang mga babala o senyas na makikita sa mga pampublikong lugar dahil ito ang gumagabay sa mga tao tungkol sa kung ano ang tama o bawal na gawin at nagbibigay din ito ng impormasyon gaya ng direksyon.
  Bawal magkalat                         
          

  Bawal pumitas ng bulaklak
     

   Panlalaki                            
                      

  Pambabae      
                                                                       

 Bawal manigarilyo      
             
          
Para sa may kapansanan lamang


Tawiran ang lugar na ito  
           

Huwag tumawid sa lugar na ito
    

Huwag pumarada sa lugar na ito     
  
   
  Huwag bumusina sa lugar na ito





PANGNGALAN (Noun)


Pangngalan-tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.


TAO
guro-G. Jaycee Joe Reineger F. Limen 



BAGAY
cellphone-Iphone




HAYOP
aso-Bantay



LUGAR
lungsod-Zamboanga



PANGYAYARI
okasyon-Pasko



URI NG PANGNGALAN

1. Pantangi-tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari at nagsisimula rin ito sa malaking titik. (Proper Noun)

Halimbawa:
                  Dr. Simon L. Chua, Zamboanga Chong Hua High School, Manila, Sta. Barbara, Jollibee, Toyota, Penshoppe, Southway Square, Andres Bonifacio, Pasko

2. Pambalana-tawag sa pangngalang tumutukoy sa di-tiyak o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. (Common Noun)

Halimbawa:
                  barangay, damit, bansa, paaralan, pangulo, bayani, restawran, parke, buwan, lungsod, bulaklak, kotse, wika


KASARIAN NG PANGNGALAN

1. Panlalakiang tawag kung ang tinutukoy ay lalaki. (Masculine Gender Noun)

Halimbawa: 
                  tiyo, bayaw, hari, tatay, kuya, lolo, pari, maestro, ginoo

2. Pambabaeang tawag kung ang tinutukoy ay babae. (Feminine Gender Noun)

Halimbawa:
                 madre, ate, prinsesa, nanay, reyna, lola, kumare, ninang

3. Di-tiyakang tawag kung hindi matukoy kung lalaki o babae. (Common Gender Noun)

Halimbawa:
                 doktor, guro, artista, bata, kapatid, nars

4. Walang kasarianang tawag sa mga bagay na walang buhay. (Neuter Gender Noun)

Halimbawa:
                 lupa, bundok, hardin, libro, lapis


Inihanda ni: G. Jaycee Joe Reineger F. Limen

3 komento: