Huwebes, Setyembre 26, 2013

FILIPINO 6

FILIPINO 6-Gng. Pilar Domantay

A. Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki ---- nauukol sa ngalang lalaki
hal. gobernador , ingkong , barako , emperador , konsorte , Totoy ,
sastre , binatilyo
2. Pambabae ---- nauukol sa ngalang babae
hal. gobernadora , impo , inahing baboy , emperatris , lakambini ,
sastrera , dalagita
3. Di- tiyak ---- hindi masabi kung ngalang babae o lalaki
hal. panauhin , usa , mananangggol , manunulat
4. Walang kasarian ---- nauukol sa ngalang walang buhay
hal. lampara , patpat

B. Gamit ng Pangngalan
1. Simuno --- ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap .
hal. Si Venus ay isang diyosa .
2. Kaganapang Pansimuno --- ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa
panaguring tinutukoy nito ay iisa lamang .
hal. Si Venus ay napakarikit na diyosa.
3. Pamuno --- ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay
iisa lamang .
hal. Si Venus , ang diyosa ay kabigha-bighani .
4. Pantawag --- pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap .
hal. Venus , mabuti rin ba ang iyong kalooban ?
5. Layon ng Pandiwa o Tuwirang Layon --- ang pangngalan ay ginamit na
layon ng salitang kilos sa pangungusap.
hal. Tinamaan ng palaso ang ina ni Kupido .
6. Layon ng Pang-ukol --- ang pangngalan ay ginamit na layon ng pang-ukol
sa pangungusap .
hal. Ang gamot ay ibinigay para sa puso ng ina .

C. Basahin ang kuwentong pinamagatang “ Ang Maganda ay Di- Sapat “
sa pahina 277-279 ( Bigkis 6 ).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento